

Maitutuwid ng sumusunod na mga hakbang ang pinsalang naidulot ng isang magnanakaw ng identidad at makatutulong para makontrol mong muli.
Mga kredit at kredit kard account: Kapag natuklasan mong binago ng isang magnanakaw ng identidad ang adres sa paniningil ng iyong account, isara agad ito. Pagbubukas mo ng bagong account, hilingin na isang password ang gamitin bago makapagsagawa ng mga pagsisiyasat o pagbabago sa dating account.
Mga account sa bangko : Kung may paniwala kang isang magnanakaw ng identidad ang nakialam sa iyong mga account, tseke, o ATM kard sa bangko, isara agad ito. Pagbubukas mo ng bagong mga account, ipilit ang akses sa pamamagitan lamang ng password para lumiit ang tsansa na mapasok ang mga account ng magnanakaw ng identidad.
Bilang dagdag, kung ninakaw o ginamit sa maling paraan ang iyong tseke, kontakin ang iyong bangko at kumuha ng utos para sa paghinto ng pagbabayad.
Kung ang ATM kard mo ang nawala, ninakaw o nakokompromiso, ipakansela ang kard sa lalong madaling panahon at kumuha ng bago na may bagong PIN.
Mga Investment: Kung may paniwala kang isang magnanakaw ng identidad ang nakialam sa iyong securities investment at account sa brokerage, ireport ito agad sa iyong broker o opisyal na tagapangasiwa ng account.
Serbisyo sa Telepono: Kung isang magnanakaw ng identidad ang nakakuha ng bagong serbisyo sa telepono sa pangalan mo; kung gumagawa siya ng di-autorisadong mga tawag na pinalilitaw na nagmula sa – o sinisingil sa – iyong teleponong cellular; o kung ginagamit niya ang iyong pantawag na kard at PIN, kontakin agad ang service provider mo para ipakansela ang iyong account at/o pantawag na kard. Magbukas ng bagong account at pumili ng bagong PIN.
|