Kung gagamit ka ng kredit kard sa unang pagkakataon, gumawa kami ng sumusunod na listahan ng mga impormasyon sa pook na ito na makatutulong sa pangangasiwa mo ng iyong pananalapi… at gumastos nang maayos!


Ang isang kredit kard na nasa pangalan mo ay makatutulong sa iyo na magsimula ng isang magandang kasaysayan sa kredit, isang mahalagang asset kapag nag-aplay ka para sa mga pautang sa kotse, trabaho o pagsasangla. Dagdag pa, wala nang dadaig na ligtas at maginhawang paraan para mamili kapag gusto mong bumili online o sa pamamagitan ng telepono.

Ngunit kakambal ng mga benepisyo sa pag-aari ng kredit kard ang responsabilidad, na kapag hindi mo natupad ay magdudulot sa iyo ng malubhang problemang pampananalapi. Ang pag-aaral pumili at gumamit ng isang kard ang unang importanteng hakbang para sa sinuman. Gamitin ang sumusunod na mga link sa pook na ito na parang unang estasyon sa iyong landas tungo sa kabutihang pampananalapi.

  • Alamin ang mga tuntunin
    Magbayad kahit paano ng minimum na bayarin buwan-buwan
    Ang minimum na halagang bayarin ang pinakamaliit na puwede mong bayaran buwan-buwan para magpatuloy ang iyong account. Magbayad ka ng anumang higit sa minimum at mapabababa mo ang patubo sa binabayaran mo.
  • Iwasan ang nahuhuling pagbabayad
    Kapag may di ka nabayaran sa takdang petsa, puwede kang masingil ng butaw sa nahuling pagbabayad. Saka, ang isang nahuling pagbabayad ay puwedeng makasira sa iyong kasaysayan sa kredit. Tiyaking nakararating ang pagbabayad sa takdang petsa sa pamamagitan ng pagpapadala nito 5-7 na araw bago ang takdang petsa, at kahit na gumagamit ka ng pagbabangko online.

  • Mag-ingat sa paggastos
    Huwag kang papasok sa hindi mo kaya

    Hindi ka binibigyan ng dagdag na pera ng kredit kard – nabibigyan ka lang ng kapangyarihang gumastos. Okey lang na utangin ang mga kailangan mong bilhin, pero tandaan na dapat mong bayaran ang inutang nang may patubo kapag hindi nabayaran nang buo. Kaya gamiting mabuti at kung kailangan lamang ang kredit kard.
  • Huwag lalagpas sa kredit limit mo
    Kapag lumagpas ka sa iyong kredit limit, puwede kang mamultahan. Sinisingil buwan-buwan ang butaw sa paglagpas-sa-hanggahan batay sa halagang inutang mo nang lagpas sa iyong kredit limit.

    Gamitin ang cash advance kapag nagigipit lamang
    Ang malimit na paglalabas ng cash advance ay nagiging magastos. Tandaan, may butaw na sinisingil sa iyo tuwing gagamit ka ng cash advance. 

  • Tiyaking may proteksiyon
    Iwasan ang pandaraya

    Mag-ingat sa paraan at pagkakataon ng paggamit sa kredit kard. Huwag kailanman ipahihiram ang kard mo sa kahit sino. Ipares lagi ang mga resibo mo sa iyong natatanggap na buwanang pag-uulat at ireport agad ang anumang pagkakamali.
  • Pag-ingatan ang iyong personal na impormasyon
    Paliitin ang panganib para sa pagnanakaw sa pamamagitan ng pagtatago sa mga bagay na nagsasaad ng mga personal na impormasyon sa isang ligtas na lugar sa bahay. Ipabatid sa iyong bangko at ibang tagaserbisyo ang pagbabago mo ng adres o numero ng telepono at tiyaking naireport agad ang lahat ng nawala o nanakaw na kard.


     
    Citibank.com