Mga Tip Pangkaligtasan para sa ATM Kard
Gumamit ng Personal Identification Number (PIN) na hindi ang numero ng telepono mo, adres ng tirahan, o numero ng petsa ng kapanganakan.

  • Isaulo ang iyong PIN at huwag isusulat sa kahit ano sa loob ng pitaka mo. Sa sangkatlo ng mga kaso ng pandaraya sa ATM kard ay naisulat ang PIN sa kard o sa loob ng pitaka.
  • Huwag kailanman isusulat ang iyong PIN sa deposit slip, sobre, o postkard.
  • Ipares ang lahat ng resibo ng ATM sa mga pag-uulat ng bangko.
  • Huwag kailanman ipahihiram ang kard sa kahit sino o iiwang nakahaya ang kard o resibo sa bahay.

Laging maging maagap
Kung may nagnakaw ng ATM kard mo at ginamit ito, puwede kang managot sa lahat ng nawala, depende sa kung kailan mo inireport ang pagkanakaw. Kung inireport mong nawawala ang kard bago ito nagamit, may mga bangkong hindi ka pananagutin sa di-autorisadong withdrawal. 

Laging pag-aralan ang mga pag-uulat
Kahit pagkatapos maireport na nawawala ang iyong ATM o kredit kard, laging pag-aralan ang iyong mga tinatanggap na pag-uulat. Kung may makita kang nakapagdududang mga singil, lumiham sa iyong bangko at ilista isa-isa ang mga ito. Ilakip sa liham ang iyong numero ng account, petsa ng pagkanakaw, at petsa ng pagrereport.

Magbabago ka ba ng adres? Huwag kalilimutang tawagan ang bangko at ibigay ang iyong bagong tirahan para maiwasan ang pagkawala ng ipadadalang pag-uulat sa account. Sa Citibank, maginhawa mong maisasaayos ang impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat sa kahong Address Change sa likuran ng iyong pag-uulat sa account, at saka i-fax ito sa bangko.



 
Citibank.com