 |


Ilang simpleng tuntunin para tumaas at gumanda ang iyong markang kredit.
- Magbayad kahit ang minimum na utang lamang sa takdang panahon.
- Huwag gagastos nang higit sa kaya mong bayaran.
- Gumastos alinsunod sa kinikita. Huwag manghihiram ng higit sa inaasahan na kikitain sa hinaharap.
- Iwasan ang paglilipat ng utang mula sa isang bangko tungo sa isa pang bangko, maliban kung talagang makakukuha ka ng mas magandang tasa sa patubo (interest rate).
- Ipaalam sa mga kreditor ang paglipat mo ng tirahan, para dumating sa iyo ang mga paniningil sa takdang panahon at makabayad ka sa takdang panahon. Kung di dumating sa iyo ang iyong paniningil, hindi ito dahilan para di ka magbayad. Laging tandaan ang mga petsa ng iyong pagbabayad ng pautang at kredit kard; kaya't kung di ka tumanggap ng pag-uulat ay agad kang tumawag sa customer service number na nakalista sa nakaraan mong resibo o sa kredit kard. Sasabihin sa iyo ng kompanya kung magkano ang dapat bayaran at kung saan ka puwedeng magbayad.
|
|